Tuesday, October 13, 2009

Pagkakataong magmahal sa iyo

Kung bibigyan ng isa pang pagkakataong mabuhay,
Gigising ako at hahanapin ka,
Kung alam ko lang sa buhay na ito na magkakaroon ng isang tulad mo,
Iaalay ang buong buhay sa pagkakataong makilala ka,
At makilala mo ako,
Para makuha sa iyo ang permiso,
Pagkakataon na magmahal sa iyo.

At wala akong hihinging kapalit,
Mula sa iyo,
At wala ako hihingin,
Sa buhay na ito,
Kung di pagkakataong magmahal sa iyo.

At sa iyo iaalay ang buhay ko,
Lahat ibibigay para lang sa iyo,
At sa iyo ilalaan ang puso,
Bawat pagtibok nito,
Pagkakataong magmahal sa iyo.

At kahit sa piling ng iba,
Ikaw ay masaya,
Mamahalin pa rin kita,
Walang sukli kung 'di,
Pagkakataong magmahal sa iyo.

No comments:

Post a Comment