Thursday, September 10, 2009

Guitara

(an attempt to write a poem in Tagalog)

Aalagaan kita at mamahalin,
Libangan ko at di ako binibitin,
Sapagkat ako'y nagiging tapat sa iyo,
'di pagpapalit at sa'yo lang aamo.

Aawitan kita at aking yayakapin,
Buong umaga, hapon pati gabi,
Marasap kayakap kahit malamig,
Hinahanap-hanap 'pag wala sa tabi.

Kasama kita sa hirap at ginhawa,
Ang tanging kausap at nakakaintindi,
'pag wala sa piling di na mapakali,
Alaala'y aking minumunimuni.

Binibigyang kulay ang buhay ko,
Sa palagay ko ito nga ay totoo,
Guitara o guitarang hawak ko ngayon,
Sinasamahan ako sa lahat ng panahon.

-Rona Llanos '94

No comments:

Post a Comment